Miyerkules, Oktubre 5, 2011

Ang Sining ng aking Pangalan



AMBISYOSA ?

 "Cesar" ang tawag ng karamihan sa akin
 Encantada daw ang aking ganda at dating
  Sino man ang bumangga ang lahat ay giba
Araw man o gabi ganda ay laging wagi
  Respeto lang oh, nagmamaganda lang ako

Buti nalang ipinanganak ang tulad ko
Eto naman ako pinagpala ng lubos
Lahat ng kagandahan sa aki'y binuhos
Mahal na mahal talaga ako ng diyos
Over na  nga talaga ang kagandahan ko
Rest nalng kayo wala kayo sa beauty ko


OMG ang ganda ganda ko talaga
Sa sobrang ganda hindi na nahalata
 Oops ambisyosa talaga ako ano ?
Rawr ! natatawa nalng ako dito


Iyan matatapos narin sa wakas ito
Ang sarap isiping matatapos na ako
Naway magbunga lahat ng pagsisikap ko
Oh sya sana makapasa ako :)




hehe :)

Para kay Sir Jayson



 Si Sir Jayson Sobrevilla ay ..
  • Mabait
  • Matalino
  • Masipag
  • Matiyaga
  • Responsable
  • Maunawain
  • Madaling pakisamahan
  •  Cute :)


Salamat po sa isang SEM ng pagtuturo mo sa amin ng FILIPINO 110.
pati narin sa pagtitiyaga kahit na pasaway kami.

Marami po kaming natutunan sa isang sem ng inyong pagtuturo
palaging masaya ang klase dahil sa mga nakakatuwang mga jokes ..

Salamat po ng marami Sir ..
Wish you all the best ! :)


Sana Ipasa niyo po kaming LAHAT ! hahaha ;)



Ang aking mga Karanasan sa FILIPINO 110



 Marami akong natutunan sa  
FILIPINO 110


isa na dito ang depinisyon, katangian,kasaysayan, mga kanon ng RETORIKA,
natutunan ko din ang wastong pagpili ng mga salita, wastong pagamit,pagbuo ng mga pangungusap mga IDYOMA at mga TAYUTAY.

Natutunan ko din ang wastong paggawa ng KOMPOSISYON
at pati na rin ang JORNAL. 
natutunan ko kung ano ang kahulugan nito, kahalagahan 
 pati na rin  mga dahilan sa pagsulat nito at marami pang iba.

Naging masaya kami dito dahil sa pagiging kwela ng mga kaklase at minsan pati narin ang guro dahil sa mga nakakatuwang mga JOKES.


Wish ko lang .. 
SANA MAKAPASA KAMI LAHAT ! :)









Si P-NOY para sa mga PINOY



Learning process 
kung maituturing ang unang isang taon ni Pangulong Benigno Aquino III kaya hindi dapat husgahan ng sinuman ang mga nagawa at pamamalakad ng Pangulo.


Para sa akin, naging nahusay ang paglaban ng Pangulo sa graft and corruption
sa bansa sa unang taon nito.

Isa rin naman sa mga mahalagang nagawa ng Pangulo ayon sa ekonomista ay ang maturuan ang mga opisyal ng pamahalaan sa malinis at maayos na paggamit ng pondo ng pamahalaan.
 

marahil sa mga susunod na taon makikita na ng taumbayan ang resulta ng mga paggawa at pamamalakad ng administrasyong Aquino lalo na sa paglaban sa mga katiwalian sa iba’t-ibang sangay ng pamahalaan



" Alam mo  wala namang Presidente na na-elect na 
marunong na agad maging President.”
                                                                        - Jess Aranza.

Pabor ako  sa sinabi ng Presidente ng Federation of Philippine Industries sa si Jess Aranza.
dahil may punto din naman siya sa kanyang sinabi



Ang awit ng aking buhay


 Patuloy ang Pangarap
ni Angeline Quinto

"Sa isang pangarap
Ako'y naniniwala
Ako ay lilipad
At ang lahat makakakita

Sa isang pangarap
Ako'y naniniwala
Hindi ako titigil
Hangga't aking makakaya

Unti-unting mararating
Tagumpay ko'y makikita
Patuloy ang pangarap "


 Napili ko itong kantang ito dahil naniniwala ako na matutupad ko ang aking mga pangarap sa buhay.
at dahil sa mga pangrap na ito, UUNLAD ako.

bastat maniwala ka lamang sa iyong sarili.
walang imposible.

Sampung taon mula ngayon, heto na ako!





 OMG ! heto na ako ngayon.
may trabaho na at nakapag ibang bansa na. abalang abala na ako ngayon at walang tulog kakatrabaho di gaya ng dati, pabanjing banjing lang :)

Isa na akong Computer Programmer ngayon sa isang tanyag na  kumpanya dito sa America.
Mataas ang sahod syempre ! natutulungan ko na ang aking magulang at natupad ko na ang pangarap ko sa aking sarili at pangarap ko din para sa aking mga magulang.
mayroon na akong 4 na kotse at 2 Van
may bahay na akong dalawa
may pinatayo akong Resort at Restaurant
napagaral ko na ang aking kapatid
at paballroom ballroom nalang aking mama at papa.

masasabi ko na rin na
PROFESSIONAL na ako.
hindi naman sa pagmamayabang.
masaya lang ako dahil nagbunga ang aking 5 taong pagaaral sa CLSU.

sa dinami-dami ng mga requirements
sa mga thesis na nakakaloka
mga projects na wagas
at mga nakakatakot na 
TERROR PROFESSORS.

ipinagmamalaki kong sabihin na ..
NAKASURVIVE AKO ! 


Sana mangyari sa totoong buhay itong mga ito.
hindi ito imposible basta MAGSIKAP KA LANG.
" Nothing is impossible " eka nga.
 

Si Crush



"Sa totoo lang,  wala talaga akong crush dahil sila ang may crush sakin" .
                                                                                     - Shamcey (arot)hehe


Para sa akin, tuwing narrinig ko ang salitang crush, ang unang pumapasok sa aking isipan ay SILA.
SILA dahil marami sila, INFINITE ika nga. haha
Mabilis lang kasi ako magkacrush, makakita lang ako ng pogi, crush ko na agad, mapadaan lang ako sa isang lugar at may nakita lang akong B.Y crush ko na din agad.

Maski sa old market man may crush ako, tawag ko pa nga sa kanya BABY eh. haha
Sa Dorm din namin marami din akong crush INFINITE din. haha
at marami pang iba.

ika nga ni Freakyrobin sa Tumblr,

Huwag kang papansin
para ‘di ka kilatisin.
Dahil kapag hindi ka nagustuhan,
ikaw ay ipagtatabuyan.
Hinanakit lang ang mabubuo,
magda-damdam pa ang iyong puso.
Kaya kung ‘yan lang ay paghanga,
‘wag mo na sa kanyang ipahara-ihara.


natawa nalang ako . may point din naman kasi siya. 
mejo lang haha

Para sa akin naman, walang masama sa pagkakaroon ng maraming crush dahil 
"Crush is only paghanga daw eh"


may mga tao rin kasing STICK TO ONE 
at may mga tao ding wagas magkacrush. at isa ako dun. :)

INSPIRASYON daw ang crush.
TOTOO  NGA BA ?
( pakilagay ang iyong palagay sa  MGA PUNA)

salamat :)