Lunes, Oktubre 3, 2011

Ang Aking Sarili



                 Ako si Cesar B. Soriano kilala din sa tawag na "Ces".Ako ay labing pitong taong gulang at panganay  sa dalawang magkapatid. Ako ay nagaaral sa Central Luzon State University sa Kursong bachelor of Science in Information Technology. Ako ay nakatira sa Munisipalidad ng Balungao, Pangasinan ngunit ako ay kasalukuyang nakatira ngayon  sa isang Dormitoryo.

              Bilang panganay, pangako ko sa aking sarili na magaaral ako ng mabuti upang maabot ko ang aking mga pangarap at pangarap na rin ng aking magulang para sa akin. Nais kong tulungan ang aking mga magulang at suklian ang mga  pagsisikap nila upang makapagaral ako.Hinding hindi ko sila bibiguin. Magsisikap ako para sa kanila at para narin sa aming kinabukasan.dahil naniniwala ako sa kasabihan na ang " ang taong hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa pupuntahan ".



             

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento